Mga katangian at benepisyong nagagawa ng HYFER MURIATE of POTASH (0-0-60) sa mga pananim;
1. Ang HYFER MURIATE of POTASH (0-0-60) ay pinaka-ekonomikal sa mga Potassium Fertilizers at kadalasang ginagamit ng maraming magsasaka.
2. Ang Potassium ay isa sa mga pangunahing Crop Nutrients na kailangan sa paglaki ng ating mga pananim. Ito ay nagsisilbing “REGULATOR” sa maraming importanteng proseso upang maging malusog ang halaman.
3. Ang HYFER MURIATE of POTASH (0-0-60) ay sagana sa pinagkukuhanan ng “Mineral Potassium” para sa balanseng paglaki ng ugat at dahon ng mga gulay, palay, ornamental, cutflower at iba pang pananim.
4. Nakakatulong ang HYFER MURIATE of POTASH (0-0-60) sa tinatawag na “GRAIN FILLINGS” sa bunga ng ating palay at iba pang pananim. Tumutulong din ito upang maiwasan ang “LODGING” at pinalalakas ang resistensya laban sa mga sakit at peste.
5. Ang HYFER MURIATE of POTASH (0-0-60) ay may “Sustained Released Formula” kaya mas matagal ang bisa kumpara sa ordinaryong Muriate of Potash.